Sunday, 31 July 2011

pagsalamin sa paglalakbay


           Nuong ika dalawangput-dalawa ng hulyo sa taong  2011  sa ganap na ala syete ng umaga.. nag tipontipon ang mga mag-aaral na kasama sa pag edukasyonal na paglalakbay at sa ganapa na alas syete y media ng umaga lahat kame ay sumakay na sa sasakyan ang mga mag aaral at nag hahandang umalis kasabay ko ang mga nag gagandahan at nag gagwapuhan kaklase ko sa philgov at ang aming guro c ma`am thelma.

         Ng umalis na ang amin sasakyan papunta sa aming destinasyon, ang akin mga kamag aral sa philgov. ay nag kukulitan na, habang binabaybay namin ang daan napansin ko ang dalawang kakalase ko sa harapan ay napaka tamis at lambing nila sa isat isa at ang kahilera ko sa upuan ai sobra kukulit tawa ako ng tawa dahil lage sila nag papatawa "hehe" at nag kukuhanan ng litrato,,napakabait ng akin mga kamag aral dahil   namamahagi sila ng kanilang baong kendi at tinapay.

                        AYALA MUSEUM


        Ng duamting na kame sa amin unang destiansyon sa "Ayala Museum" kami ay pumasok agad sa luob at kumuha ng tiketa para makapasok sa luob ng museo. pagtapos namin makuha ang amin mga tiketa, sinabi ng magandang binibini ang mga gabay at panuntunan.



PANGAPAT NA PALAPAG




         Ng kami ay nakapasok na agad kame pina diretso sa pang apat na palapag, dahil doon daw maganda mag umpisa ayon sa gabay ng museo.. sa pang apat n palapag mayroon parang sinehan don. napanuod ko doon ang mga natagpuan ginto sa ating bansa.pag tapos namin manuod. pinakita samin ang mga totoong ginto n nasa lapag, mga ginto na sumisimbolo sa ating kultura mga kasangkapan at palamuti sa ating katawan.. ang buong pang apat n palapag ay puro ginto ang makikita dito. at maraming cctv kamera.makikita din dito ang mga 18th 19th millenyo mga kasuotan, at ang mga Chinese at timog-silangan  "ceramics" mga natagpuan sa pilipinas..


PANGATLO PALAPAG

       Sa pangatlo palapag, sa palapag n ito ay makikita ang mga pintor tulad nila Fernando Zobel, Amorsolo at Juan luna ang gaganda ng kanilang mga nilikha at pininta.

                                                             Likha ni Fernando Amorsolo
                                                                  Likha ni Juan Luna
                                                               Likha ni Fernando Zobel

PANGALAWANG PALAPAG

   Matatagpuan sa pangalawang palapag  ang mga dayorama ng Pilipinas makikita dun ang Palawan tabon cave, Trade with the Chinese,The First Mass in the Philippines, The Revolution Agaist Spain begins at madami pang iba makikita din dito sa palapag na ito ang mga Boat Galariya. tulad ng  Pre-Hispanic Sailbot,Chinese Junk,Arabian baghla,Lorcha,galleon at Caravel.


    
   At pagkatapos namin malibot ang buong museo. kami ay lumabas na. at habang kami nag aantay kung saan nkapar ang amin mga sasakya.. kami ay nag usap usap muna,, at nagkuhanan ng litrato. natawa ako sa isang aking kamag aral dahil napaka comedy nea mag pa picture mga kahindikhindik niyang mga kuha.at nung nakasakay na kami sa sasakyan at naka alis na patungo sa aming sunod na distenasyon, ako ay napagod at sa sobrang gutom naka idlip ako sa sakyan at ung isa ko klassmate ay kinuhan p ako ng pic.




    Dala ng aming gutom, kami ay tumigil saglit para kumaen at mag pahinga,kami ay kumaen sa chowking sa tapat ng museo pambata. ako ay umorder ng chowfan with siomai at siopao dahil ako ay gutom na gutom subalit bitin padin ang akin kinaen pero sakto lng pang tawid gutom, "hehehe" kasabay ko kumaen c Marnelle, Dave at c Carmela d ko lubos ma isip ang lalakas kumaen ng mga kasabay ko lalo na c arnelle at Carmela
sa dahilan na madami sila in-order na pagkaen. at pag katapos namin kumaen kami ay gumayak na patungo samin sunod na destinasyon sa National Museum.


                     NATIONAL MUSEO








Sa hindi kalayuan nakarating agad kame sa pambasang museo.nakakatawa dahil mali kame ng pasukan na pinasukan hindi pla doon. makikita sa pambasang museo ang mga kultura at mga sining ng mga Pilipino tulad ng  mga banga. nakita ko dun ung manugul jar at burial jar at kinuhanan ng litrato ang mga ito. pinakita din dun mga sina unang bahay ang mga bahay kubo mga instrumento pantugtog na ginagamit nila, mga gamit sa pag luluto,mga gamit sa pangingisda, mga kasuotan ng mga unang filipino dami ni maria clara ata un  mga hayop na pinriserve tulad ng paruparo tipaklong philippine eagle mga uri ng mga alimango mga ibat ibang hayop na matatagpuan sa Pilipinas lamang.nkita ko din dito ung mga kanyon mga gamit pandigma nung unang panahon. mga larawan ng mga tao nkahubad at marami pang iba at pag tapos namin mag libot sa pambasang museo agad agad kami umalis at tumungo sa huling destinasyon sa intramuros.






                           INTRAMUROS                   

                                                              
                                         





    Ng marating na namin ang Intramuros ang una namin nkita ay  ang San Agustin church dahil doon kami sa harap nito nag parada ng sasakyan.. nung kami ay bumaba na ng sasakyan.. kami ay nag lakad patungo sa manila cathedral pumasok kami sa luob nito kamangha mangha dahil sobrang laki ng simbahan ito at napakaganda ayun ang unang beses ko nakapasok sa simbahang yon. pag labas namin sa simbahan ako ay bumili ng tatlong rosaryong brayslet sa manong nagtitinda sa labas ng simbahan. pag tapos nun kami ay tumungo sa fort santiago ngunit d kame nkapasok sa kadahilanang my bayad pla ito gusto ko sana pumasok dun kaso mga kasama ko ay nag alisan na..sa pag lilibot nkakita ako ng Mini Stop at sinabi ko sa mga kasama ko na pumunta kami dun at bumili ng inumin at sorbetes. lahat kami ay bumili ng  sorbetes. pag tapos namin maubos ang kinakain namin at mapawi ang pagod namin. kami ay dali dali umalis at nag libot ulit sa kakalibot namin kami ay dumaan sa daanang pader at ito ay amin nilibot sa harap nito ay matatagpuan ang golf cors. habang sa pag lalakad kami ay nag kuhanan ng litrato ulit. noong nakaramdam na kami ng pagod nagka ayaan na kami bumalik sa amin sasakyan. sa pag balik,, akala namin ay kami ay naliligaw na dahil sobra haba ng nilakad namin. nung nkabalik na kami sa aming sasakyan.. ako ay nag palit ng damit pang itaas dahil basang basa ng pawis ang suot kong damit habang kami ay nag aantay sa ibang mag aaral para bumalik sa van. na saksihan namin nag my magaganap na kasalan sa San Agustin Church dahil sa nakita namin mga nakadamit pang kasal. 

    Natapos ang Araw Kami ay napagod pauwi baon ang aral  aming natutunan nag pagiging tunay na Pilipino ang kagandahan ng ating bansa sa pangkalahatan paglalakbay. d ko mkakalimutan ang akin experiensa sa araw na yon. at dito nag tatapos ang akin kwento. ^_^
  

No comments:

Post a Comment